Heneral Lyrics

Album: Psywar

Isang libo, walong daan at siyam na put-walo

Alipin ka ng dayuhan, sa sariling bayan mo

Hinalay, kinatay, alipin ng mapanudyo

Sa ngalan ng kasakiman tayo ay ibinilanggo

Gapasin ang tanikala

Ginapos sa bagwis ng dakila

Talipandas na buwitre nagmamatyag sa dilim

Salakay sa kuta ng buwitreng mapaniil

Sa larangan, ng digmaan, ikaw ang maestro

Bayan o sarili, ano ang pipiliin mo?

Gapasin ang tanikala

Ginapos sa bagwis ng dakila

Ako ang gatilyo. Tingga sa sintido

Apoy sa dilim, Ako ay asintado

Ako ang sentensya, Ang una at dulo

... Ang Heneral!

Armas ng digma.. Di nag-iisa

Ubos kung ubos at walang ititira

Sulong kalayaan, buhay ang taya... Ang Heneral!