Digmaan, pagpatay sa kapwa
Palihim na pinaninindigan
Lason sa mga murang isipan
Paglikha ng mga mitong kalaban
Dito sa ibabaw ng lupa
Naglipana ang ang lahat ng kahayupan
Maraming tao ang wala sa wisyo
Walang ibang sandigan kundi sarili mo
Di na kailangan pang magtungo sa malayo
Nandirito na tayo sa impyerno
Paraisong winasak at binaboy ng tao
Ang lahat ay lalamunin ng apoy
Walang kapararakang mga bagay
Nilikha para sa kapangyarihan
Mga tupang nagbabanal banalan
Na ang loob ay alipin ng laman